LOOK| Luneta park after Christmas. Ang nakakadiring ugali ng mga Pinoy na dapat mabago


Christmas is not merry. Not for the clean-up workers of Luneta Park. Binaboy na naman kasi ng mga Pilipino ang Luneta Park. 
A day after visitors flocked the landmark to celebrate Christmas day, piles of trash covered the area on Wednesday.
Some families who chose to visit and have picnics in Luneta today were not allowed to stay by park guards due to the overwhelming amount of trash.
The Department of Public Works and Highways (DPWH) South Manila office spearheaded the clean-up drive, which spanned across Roxas Boulevard.


Environment group Ecowaste Coalition expressed dismay on the post-Christmas day turnout, saying the amount of trash left by visitors mirror their disrespect towards the park.
“Kailan ba tayo magbabago? Ang pagkakalat ay isang masamang ugali na sumasalamin sa ating kawalang respeto at pagmamalasakit kay Inang Kalikasan at sa ating kapwa,” the group said.
“Kami ay muling umaapela sa lahat na pahalagahan ang ating kapaligiran at panatilihing malinis ang ating mga lugar-pasyalan.”

Wala na talagang pinipiling lugar ang ang Pilipino, mapakalsada, lansangan, pasyalan binababoy ng mga walang disiplinang Pinoy.

Maliban sa “Bullying” ito ang pinaka nakakadiring ugali ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon, ang kawalang disiplina sa pagtatapon ng basura na walang humpay ang pambababoy ng mga Pilipino sa sariling kapaligiran.

Maging ang mga ilog sa bansa lalo na sa Metro Manila ay binaboy at patuloy na binababoy ng mga Pinoy. Kaya ang resulta mababaho ang mga ilog, nakakadiri ang amoy na malalanghap sa mga ilog dahil sa mga baboy na Pilipino.


Hanggang kailan ang mga Pilipino matututo sa pagtatapon ng basura sa maayos na lagayan? 

Ang mga pagbaha at trahedya sa Metro Manila ay dahil sa mga basurang nakatambak kung saan saan lang. Tapon sa kalsada, tapos sa mga estero, tapon sa kanal, sa mga park na un ang magpapahinto sa buhay ng ating kapaligiran.

Ultimo upos ng sigarilyo, plastik na pinaggamitan, lagayan ng candy ay itatapon lang kung saan saan na makikita natin kung gaano kababoy ang mga Pilipino. 

Ang mga trahedya sa Pilipinas ay trahedya na tayo ring mga Pilipino ang may gawa. 

Ito ang nakakadiring kaugalian ng mga Pilipino na dapat mabago bago pa tuluyang masira ang ating kapaligiran mas lumala ang sitwasyon. 

Ilagay sa maayos na basurahan ang ating mga basura ng sa ganon hindi mas maging malala anh sitwasyon at ma protektahan ang ating kapaligiran at ang mga susunod na henerasyon.

0 Comments