Marami tayong mga hinahangaan na mga personalidad na kung saan sinasabi nating sila ay kilala at sikat kung kayat mas hinahangaan ng lahat.
Subalit meron rin namang hindi sikat pero higit pa sila sa mga kilalang personalidad.
Sila ay ang mga bayani nating kasundaluhan na nagbubuwis ng buhay para sa kaligtasan ng nakararami sa ating bayan.
Oras sa pamilya nila ay halos wala sa panahon na nasa operasyon sila, habang ang mga pamilya nila ay takot na takot na baka kung ano ang mangyari habang sinusuyod ang mga kagubatan.
Mga okasyong wala sila kagaya ng mga birthday ng kanilang mga kamaganak o sa pamilya nila, isa yan sa binubuwis nila mabigyan lamang tayo nv kaligtasan mula sa mga kaaway na anomang oras ay pwedeng umataki.
Buti ikaw may holiday, samantalang sila wala. Walang Holiday sa ating mga bayani, kahit na pasko o new year ay kapag nasa operasyon sila ay doon sila naaabutan ng pagdiriwang ng bagong taon sa kasa kagubatan naghahalungkat kung may mga kaaway.
Hindi natin sila napapansin, pero sila ang dapat na mas pinapansin ng lahat, dahil kung meron dapat tayong palakpakan ay pasalamatan, hindi ang mga artista kundi ang mga bayani nating sinasakripisyo ang lahat para sa ating kaligtasan.
Mas mataas pa ang iyong paghanga sa mga KPOP kesa sa kanila, samantalang dahil sa ating mga bayaning sundalo ay nakakatulog ka ng mahimbing tuwing gabi at nakakapamasyal ka ng masaya tuwing araw.
Sa bawat pag suot nila ng kanilang oniporme ay ang kanilang kalahating buhay ay tila nasa hukay na, hindi kasi nila alam kung uuwi pa sila ng buhay o maisasama na rin sa hukay.
Buti pa nga tayo may masasarap na pagkain na pinagsasalohan. Sila, kahit na anong pagkain sa bundok ay kakainin nila. Kahit sinabawang gulay na wala naman lasa ay pagsasalohan parin nila ng masaya.
Ganitong sitwasyon mayroon ang ating mga bayani. At alam ko na habang binabasa mo ito ay nadudurog na ang iyong puso dahil madalas nakakalimutan natin sila.
Hindi nila hinihiling maging sikat, ang tanging hangad lang nila ay maging ligtas ang lahat mula sa kamay ng mga kaaway.
Maaring ibabagi ito sa iba (i-Share) upang ipaalala sa lahat ng mga Pilipino na may mga bayani tayong hindi man natin napapansin pero pero ay kapansin pansin dahil sila ang dahilan kung bakit ligtas ang ating bayan mula sa panganib.
Nagbubuwis ng buhay para lang ang ating mga pamilya ay maging payapa at ligtas samantala ang pamilya naman nila ay nagaalala kapag misyon ay ikinakasa, yan ang ating mga tunay na bayani.
Mabuhay ang Sandatahan ng Pilipinas!
0 Comments