Malaki ang papel ng mga Teachers o Professors sa school sa mga nagiging asal mg mga kabataan. Ang mga guro ang nagtuturo sa kung ano ang magiging direksyon ng tatahaking daan ng mga mag aaral.
Ang bullying sa ateneo na ginawa ni Joaquin Montes ay may malaking papel ang mga guro niya sa kanyang sariling eskwelahan.
Ang Ateneo ay kilala sa kakalsadahan na siyang madalas nangunguna sa mga rally laban sa pamahalaan. Lahat ng issue ay sasakyan nila at madalas sumisigaw sa kakalsadahan.
Tinuturuan kasi ng mga guro o propesor sa Ateneo ang mga estudyante nila na lumaban sa pamahalaan. Mag protesta, mag rebelde sa mga nakatataas na namumuno.
Kaya ang Ateneo Student Bullying ay may isa sa mga symptoms ng pagiging rebelde at pagiging marahas. Kung titingnan natin ang mga nagrarally mula sa Ateneo, makikita mo sa kanilang kilos at gawa ng pagiging suwail sa batas at pagiging rebelde sa pamahalaan.
Dahil sa pagtuturo ng mga guro sa Ateneo na magrebelde, mag rally laban sa pamahalaan ay nagiging marahas ang iilan sa kanilang mga estudyante.
Ang Ateneo ang numero unong reklamador sa pamahalaan at ginagamit nila ang kanilang mga estudyante para gumawa ng hakbang na mag rebelde laban sa pamahalaan.
0 Comments