Isa na namang patagong session ang isinagawa ng executive session ng senate sa isyu ng halalan, ngunit closed door ito mga kababayan ayaw nilang maisiwalat ang mga plano sa gagawing halalan 2019 o pag hahanda.
Bakit wala ito sa senado at bakit ito patago? Dahil posibleng may isinasagawang maiitim na balak na naman ang mga ito para sa isang malakihang pandaraya na naman sa halalan. Mga kababayan, mula pa 2010 tayo niloloko ng Comelec at Smartmatic at kinakamkam ng dilawan ang mga boto natin, mananahimik nalang ba tayo?
Ayaw ng mga ito malaman ang katotohanan na mayroon na naman silang plano para sa isang malinis na pandaraya sa susunod na halalan.
Ipinipilit ng mga ito na ang Smartmatic ang patuloy na magpatakbo sa halalan ng sa ganon ay tuloy ang kitaan, tuloy ang dayaan. Ayaw nilang malaman ng taumbayan ang pag uusapan para hindi halata na mayroon na naman isang basurang halalan ang gaganapin sa 2019.
Dapat ng mawala ang smartmatic, dapat ng ibasura yan dahil wala na yang saysay sa ating bansa. Maging ang mga opisyal ng Comelec ay dapat nang walisin at palitan ng mga malilinis na opisyal na hindi tumatanggap ng suhol mula sa mga ganid na opisyal o pulitiko.
Closed door session para lutuin na naman ang halalan 2019, hindi na talaga matino ang sistema na ito hanggat nananatili ang smartmatic at ang mga bayarang opisyal ng comelec na ang tanging boss ay ang dilawan.
ATTY. GLENN CHONG ON SOCIAL MEDIA
PATAGONG EXECUTIVE SESSION NG SENATE COMMITTEE SA ISYU NG HALALAN GINAGANAP NGAYONTulad ng mga magnanakaw at mandaraya, kasalukuyang ginaganap ngayon sa Manila Polo Club, hindi sa loob Senado, ang patagong executive session ng Joint Congressional Oversight Committe ng Senado (closed to the public) upang malaman diumano ang paghahanda ng Comelec sa 2019 elections.Bakit sa labas ng Senado? Dahil maraming magmamasid at maraming makakaalam kung doon gaganapin ang patagong session nila. Kaya playing safe sila, sa Manila Polo Club na lang.Niluluto na nila ang pagmanipula at pagdaya sa darating na halalan. Ipipilit talaga nilang Smartmatic muli ang magpapatakbo ng ating halalan. Ipipilit nila ang kanilang dayaan. Kaya ayan, nagtatago at ayaw humarap sa publiko.Ginagawa nila ito ngayon pero hindi pa nila sinasagot sa harap ng publiko ang sangkaterbang isyu ng dayaan sa nagdaang halalan. Taktika talaga ito ng sindikato. Kapag nahuli sila sa public hearing, sa closed-door session sila tumatakbo. Nangyari na rin ito noong 23 March 2012. Ito na naman tayo ngayon.Ipakalat po natin ito upang magkaisa tayong umaksyon ngayon at mapigilan ang napipintong pagnakaw muli ng atong mga boto.Ako’y nanggagalaiti sa galit!!!
PANAWAGAN
Tahasan na ang ginagawa ng dilawan at comelec, dapat ang taumbayan ay makialam na. Nananawagan ako sa sambayanang Pilipino na kumilos na, kalampagin ang Comelec at Smartmatic. Palayasin na ang mga yan upang mag tuloy tuloy ang tunay na pagbabago.
Ang social media ay magagamit natin para pabagsakin ang mga dilawan, comelec at smartmatic.
Magkaisa tayong mga Pilipino!
0 Comments