MUST READ| HPG-Chief. Fajardo, dalawa na ang pinapatay?

Isang panibagong biktima na naman ang ginawa ng isang Hepe na siya ring utak sa pagpaslang kay Kian Delo Santos, at ngayon naman sa driver ni Atty. Glenn Chong.
Hindi na napigilan ng isang beteranong mamamahayag na magsalita sa social media tungkol sa pagkapaslang kay Richard Santillan. Ayon kay Jay Sonza, nagtataka umano siya dahil sa yung hepe na utak sa pagkamatay ng mga Pulis kay Kian ay siya ring Hepe na utak sa pagpatay sa Security Aide at kaibigan ni Atty. Glenn Chong.
Ang tinutumbok ni Sonza ay si PNP-HPG Director Chief Supt. Roberto Fajardo na siyang utak sa pagpatay kay Kian at kay Santillan.
Si Fajardo ay pansamantalang ni-relieved ni dating PNP Chief. Ronald Dela Rosa noong 2017 dahil sa command responsibility sa pagkapaslang kay Kian Delo Santos na siyang biktima rin niya.
Sa hiwalay na pahayag ni Jay Sonza, isiniwalat nito na si Fajardo ay kababayan nila De Lima at Leni Robredo.
Naibalik lamang si Fajardo sa service noong June 2018. 
Sa mga pangyayaring ito, ang netizens ay naalarma ng husto dahil ang kagaya ni HPG Chief ang anay sa kapulisan na siyang dumudungis sa malinis na pamamalakad ng Philippine National Police. 
Posibleng si Fajardo ang ginagamit ng dilawan para sirain ang magandang emahe ng pamahalaan at palabasin na gumagawa ito ng extrajudicial killings.
Dapat mapanagot ng husto ang pumaslang sa walang kalaban laban na si Richard Santillan. Posibleng si Atty. Glenn Chong ang target nila Fajardo dahil sa pagsisiwalat nito sa kalokohan ng Comelec, Smartmatic, at Leni Robredo. Subalit hindi si Glenn Chong ang laman ng kotse kundi ang kanyang kaibigan.
JUSTICE FOR RICHARD SANTILLAN

0 Comments