Marami ang hindi nakakaalam kung ano talaga ang tunay na dahilan sa pagdeklara ng Martial Law noong 1972, di alam ng karamihan ang tunay na rason dahil sa ang iba bukod sa wala nang pakialam ay naririnig nila sa mainstream media na masama ang Martial Law.
Himay-himayin natin ang katotohanan sa Martial Law na dineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Bukod sa problema sa MNLF sa Mindanao noon ay may mas malaking banta ang Pilipinas noon, ito ay ang pananakop ng mga komunista. Nais pabagsakin ng mga komunista ang pamahalaan ng bansa upang kunin ang kapangyarihan at gawing communist country ang ating bayan.
Nung malaman ito ni Marcos ay naalarma ito. Si Marcos ay isang leader na makabayan at anti communist dahil alam niyang walang kalayaan sa isang komunista. Buong komunidad ay kontrolado kapag komunista ang umiiral sa isang pamahalaan.
Gumawa ng napakaraming karahasan ang mga komunista, at isa sa mga naging pinuno nila ay si Ninoy Aquino. May mga pagpapasabog sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas, hinahatak din nila ang ilang mga estudyante noon sa mga Unibersidad ng bansa na sumama at mamundok at pinapalabas na masama na ang pamumuno ni Marcos. Kumbaga, nagpakalat ang mga komunista ng mga black propaganda na pinaniwalaan ng iilan.
Lalong na alarma ang pamahalaan kung kaya’t nagdeklara na ito ng Martial Law, dinisiplina ang mga Pilipino at naging payapa ang buong bayan nung Martial Law subalit ang mga komunista ay gutom ang inabot. May mga sumuko at may mga nadakip, may mga napaslang naman dahil sa paglaban sa pwersa ng militar.
Kung hindi nagdeklara si Marcos ng Martial Law kawawa ang ating kalagayan ngayon dahil paniguradong komunista ang kinahinatnan ngayon ng Pilipinas.
Kung hindi nag deklara ng Martial Law para na tayo ngayong mga robot na hindi basta makakagalaw dahil kontrol ang lahat ng komunistang pamahalaan.
Kung hindi nag deklara ng Martial Law ay malamang hindi tayo nakakapamasyal ng malaya at walang kinatatakotan ngayon.
Kaya salamat sa Martial Law na naging isang panangga sa ating bayan laban sa pananakop ng mga komunista. Kung tutuosin ang dapat itong ipagdiwang dahil ang katotohanan ang Martial Law ang nagbigay diin para mapanatili ang demokrasya sa ating bayan na ngayon tinatamasa nating lahat.
Kaya binabati ko ang lahat ng Happy Martial Law Anniversay!
0 Comments