Nakiisa ang Diyosesis ng Baguio sa buong Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng Season of Creation kasabay ng panawagan sa mananampalataya na magkaisa at magtulungang pangalagaan ang kalikasan.
Sa liham pastoral ni Bishop Victor Bendico, binigyang diin ang kasalukuyang nangyayari sa kalikasan na nakasasama sa nag-iisang daigdig.
Inihayag ng obispo na bagamat nakapagpahinga ang kapaligiran sa pagpatupad ng lockdown ng iba’t ibang bansa sa usok ng mga sasakyan, factory at iba pang uri ng polusyon, may iba namang dahilan ng pagkakasira ng kalikasan tulad ng:
- Developmental aggression with collateral damage to the environment and ecosystem, gaya ng pamumutol ng mga pine trees upang bigyang daan ang pagtatayo ng condominium unit
- Aggressive commercial farming and cash crop mentality
- Unregulated small scale mining and the irresponsible disposal of chemicals in our waterways and rivers
- Calamitous erosions
- Consumerist mentality and waste management problem
Sa pagdiriwang ng Season of Creation, nais ng diyosesis na palawakin pa ang pagpapalaganap sa kaalaman ng wastong pangangalaga sa kalikasan upang magkaisa ang mamamayan sa pagtugon sa krisis pangkalikasan.
Ayon sa obispo, nawa’y alalahanin ng bawat isa ang kahalagahan ng kalikasan para sa tao.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments