Nagpahayag ng pakikibahagi ang Commission on Human Rights sa paggunita ng Simbahang Katolika ng 33rd National Prison Awareness Week ngayong taon.
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, kaisa ng Simbahan ang kumisyon sa pagnanais na mabigyan ng pag-asa ang mga bilanggo, lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Inihayag ni De Guia na kabilang ang mga bilanggo sa pinakalantad sa COVID-19 at iba pang sakit dahil sa pagsisiksikan ng mga ito sa bilangguan.
“Protecting communities from infectious diseases means protecting everyone, especially those who are not as able to protect themselves,” pahayag ni De Guia.
“Vulnerable populations, such as persons deprived of liberty, are often most at risk during public health emergencies,” aniya.
“They have fewer protections from an outbreak, and may face more significant fallout from any disruptions in daily life,” dagdag ng tagapagsalita CHR.
Ibinahagi ni De Guia ang apela ng kumisyon sa Kongreso na maisabatas ang National Preventive Mechanism Bill na naglalayong maisaayos ang kondisyon at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa.
Sa tala ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na sa mahigit 100,000 na mga bilanggo sa buong bansa, tanging 40,000 lamang sa mga ito ang nahatulan sa kanilang nagawang kasalanan. Ang iba ay nakapiit habang nililitis ang kaso sa hukuman.
Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love.”
Ito ay ginugunita mula Oktubre 19 hanggang Oktubre 25.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments