Tiniyak ng Diocese ng Baguio ang pagsunod sa mga panuntunan ng lokal na pamahalaan ng lalawigan upang maiwasan ang pagkalat ng new coronavirus disease.
Una ng muling binuksan ang lunsod para sa mga residente ng Luzon sa kabila ng banta ng pandemya.
Ayon kay Bishop Victor Bendico ng Baguio, ang pagpapahintulot na buksan ang lungsod sa mga hindi residente ay responsibilidad ng lokal na pamahalaan, gayundin ang usapin ng turismo.
“The re-opening of Baguio to non-residents is the concern of Baguio government not the Church,” ayon sa obispo.
“Tourism and health of the people are basically government concerns. Even the church is merely following government protocols during this pandemic,” dagdag ng obispo.
Pinaalalahanan ng diyosesis ang mga mananampalataya na patuloy na sundin ang mga ipinapatupad na safety health protocol sa muling pagdagsa ng mga turista sa lunsod.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments