Huwag ipagpalit ang katutubong kultura sa kita

Hinimok ng isang katutubong pari mula sa tribung Tingguian sa Abra ang pamahalaan at ang sambayanang Filipino na muling tuklasin at kilalanin ang kahalagahan ng mga katutubo na tunay na nangangalaga ng kalikasan.

Ito ang apela ni Father Oscar Alunday, SVD sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Week ngayong buwan na isinasagawa ng simbahan bilang pagkilala sa ambag ng mga katutubong Filipino.



Ayon kay Father Alunday, nakatutulong na gunitain ang Indigenous Peoples’ Week sa pamamagitan ng adbokasiya ng Simbahan upang alalahanin ang mga turo sa pagkilala at pagpapahalaga sa mga katutubo.

Ikinalulungkot ng pari na nakalimutan na sa kasalukuyan ang halaga ng mga Filipinong katutubo na naaalala lamang dahil sa turismo.

Hinikayat ni Father Alunday ang mamamayan na mas kilalanin pa ang sariling kultura at wika lalo na ang kultura ng mga katutubong Filipino.

“It’s good to be home, to know our languages, to know our indigenous culture. We need one another,” ang bahagi ng pahayag ni Father Alunday sa panayam sa programang Barangay Simbayanan sa Radio Veritas.

Mula sa ulat ng Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments