Online catechetical program, inilunsad ng Archdiocese of Jaro

Pinangunahan ni Archbishop Jose Romeo Lazo ng Jaro ang paglulunsad ng online catechetical programs ng Jaro Archdiocesan Commission on Catechesis and Catholic Education sa gitna ng pandemya.

Ayon sa arsobispo, hindi dapat magsilbing hadlang ang pandemic sa pagbabahagi ng Mabuting Balita at pangako ng kaligtasan ng Panginoon.

Pagbabahagi ni Archbishop Lazo, ang paggamit ng teknolohiya at internet ay isang epektibong paraan upang patuloy na maabot ng Simbahan ang mga mananampalataya at makapagbahagi ng katesismo na magsisilbing matatag na saligan ng pananampalataya partikular na ng mga kabataan.



Aniya, higit na kinakailangan ng mga kabataan ang gabay pang-espiritwal lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan nananaig ang kawalan ng katiyakan na dulot ng patuloy na banta ng pandemya.

“In and out the pandemic we continue to proclaim the Good News of salvation and healing to God’s people,” dagdag ng arsobispo.

Umaasa naman ang arsobispo sa aktibong pagtugon ng lahat ng mga parokya sa arkidiyosesis sa patuloy na hamon ng ebanghelisasyon sa gitna ng pandemic.

“I hope that all of us in the local Church of Jaro be able to support, embrace and provide the needed catechists to continue the mission entrusted to us to proclaim the good news of healing and salvation,” dagdag pa ni Archbishop Lazo.

Ang serye ng online catechetical lessons ng Archdiocese of Jaro na pinamagatang HOMECAT: Katekesis ONLINE sa PANIMALAY ay gagawin tuwing Martes ganap na 7:30 ng gabi sa pamamagitan ng official FB page ng Archdiocese of Jaro.

Mula sa ulat ng Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments