May ‘mabuting dulot’ ang pandemya sa pananampalataya, Bishop Pabillo

licas news philippines

Sa kabila ng patuloy na pagkabalam ng buhay ng marami, ang pandemya ay may dala namang “mabuti” sa pananampalataya.

“We can always see something good sa pangyayaring ito,” ayon kay Bishop Broderick Pabillo ng Maynila.

Bagaman hanggang ngayon ay nanatiling banta ang pandemya, marami pa ring dapat ipagpapasalamat sa Diyos ang sangkatauhan, aniya.



Ayon sa obispo, hindi katulad sa mga nagdaang Adbiyento at Pasko, ngayong taon ay pagkakataon ng katahimikan upang mabigyan tuon ang pagdarasal, pagninilay, at tahimik na paghahanda sa pagdiriwang ng pagsilang ni Hesus.

“Huwag po tayong matakot sa wakas ng panahon kasi yan po yung kaganapan ng ating kaligtasan,” aniya.

“Sinimulan na ni Hesus ang pagliligtas sa atin nung siya ay namatay at muling nabuhay, ipinagpapatuloy ng Simbahan ang gawain ng kaligtasan,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Dahil sa pandemya, umiiral pa rin ang iba’t- ibang “community quarantine” sa buong bansa bilang pag-iingat mula sa nakamamatay na sakit.

Hanggang ngayon ay nanatiling limitado ang paglabas ng mamamayan, gayundin ang pagpunta sa mga shopping mall, pasyalan, at ang pagdalo ng mga gawaing Simbahan sa mga parokya.

Mula sa ulat ng Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments