Malaking tulong sa Simbahan ng Novaliches ang pagiging aktibo ng Basic Ecclesial Communities sa social media ng parokya.
Ayon kay Bishop Roberto Gaa ng Novaliches malaki ang naiambag ng social media sa pagkalap ng tulong sa mga programa ng Simbahan, lalo na sa pagtulong sa mga nangangailangan.
“I think we have to explore the possibilities here sa social media,” ayon sa obispo. “You’re not bound by the normal boundaries of the parish anymore,” aniya.
Dagdag ng obispo na ang “reach” ng social media ay sa buong mundo.
“If you continue to reach out to them, if you continue to nourish them, they will be more than eager to support you, because they were nourished by you,” ayon kay Bishop Gaa.
Aniya, dahil sa online donation, lalu na sa mga parokyang aktibo sa pagsagawa ng online Mass, formation, at catechism, patuloy na naisusulong ang misyon ng Simbahan.
“Ang daming bumubuhos ng tulong, at ang daming natutulungan nitong mga parokya’ng ito,” ayon sa obispo.
“They become conduits of help. We have to be accountable and responsible for all the gifts, the blessings, whatever goes through the parish,” aniya.
Ayon sa obispo, dahil sa masigasig na mga komunidad, madaling nakakakalap ng tulong at donasyon ang Simbahan na naipaabot sa mga naapektuhan ng pandemya at mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments