Nagpaabot ng pagbati at panalangin si Cardinal Orlando Quevedo ng Cotabato sa bagong cardinal ng Pilipinas na si Jose Advincula ng Capiz.
“Congratulations and prayers to Archbishop Joe Advincula as he becomes Jose Cardinal Advincula, cardinal priest,” pahayag ni Cardinal Quevedo.
“I remember him as a young priest from Roxas City, assigned to teach theology in the Vigan School of Theology for a few years,” dagdag ng dating arsobispo ng Cotabato.
“He was admired as a teacher and friend of the seminarians. He would attend their ordinations even when he had to return to Roxas City,” aniya.
“He learned to speak Ilocano and would mingle with the Ilocano bishops at the [Catholic Bishops’ Conference of the Philippines,” pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam sa Veritas 846.
Nagpahayag ng tiwala si Cardinal Quevedo na epektibong magagampanan ni Cardinal Advincula ang kanyang tungkulin ng masigasig, may kababang loob, at may dalang bagong pag-asa bilang bagong katuwang na pastol ng Santo Papa.
“Created as a ‘cardinal at the margins,’ Cardinal Joe will surely continue to be a zealous, humble, simple, and loving shepherd of his people,” ayon kay Cardinal Quevedo.
Si Cardinal Advincula ay isa sa 13 na itinalaga ni Pope Francis na mga bagong cardinal ng Simbahang Katolika.
Hindi nakadalo ng personal si Cardinal Advincula sa isinagawang consistory sa Vatican noong Nobyembre 29 dahil sa mahigpit na ipinapatupad na quarantine protocols dahil sa pandemya.
Bukod sa pagiging katuwang ng Santo Papa sa pangangasiwa ng Simbahan sa iba’t ibang bansa, ang mga cardinal ay nagsisilbi bilang mga opisyal ng Vatican.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments