Magsasagawa ng “online daily reflection” ang grupong Global Catholic Climate Movement upang ipaliwanag ang nilalaman ng “Fratelli Tutti,” ang bagong encyclical letter ni Pope Francis.
Ang “daily reflection” ay bahagi ng pagdiriwang sa panahon ng Adbyento na may temang “In the Midst of Climate Emergency, Creation Awaits in Hope.”
Magbabahagi ng pagninilay ang ilang pinuno ng Simbahan at mga theologian sa bansa tulad nina Sister Mary John Mananzan, OSB; Father Rey Raluto ng St. John Vianney Theological Seminary; Father Danny Pilario, CM, dean ng Saint Vincent’s School of Theology; at Father Albert Alejo, SJ.
Magbibigay din ng pagninilay sina Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos; Cardinal Jose Advincula ng Capiz; Archbishop Emeritus Antonio Ledesma ng Cagayan de Oro; at Bishop Valentin Dimoc ng Bontoc-Lagawe.
Inaanyayahan ng grupo ang lahat na makiisa sa isang “webinar” ni Bishop Pablo Virgilio David ng Kaloookan upang suriin ang nilalaman ng “Fratelli Tutti.”
Matutunghayan ang webinar, alas-9 hanggang alas-11 ng umaga sa Martes, Disyembre 15, at nag “daily reflections” simula Disyembre 16 hanggang 23, ganap na alas-8 ng umaga sa Facebook page ng GCCM-Pilipinas at mga partner organization.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments