Nanawagan ang Diocese ng San Carlos sa Negros ng pakikiisa sa paggunita sa International Human Rights Day sa araw na ito, Disyembre 10.
Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, ang paglaban at paninindigan para sa karapatan ng bawat mamamayan ay paraan upang muling makabangon ang bansa sa krisis na dulot ng pandemya.
Aniya, patuloy na pinaninindigan ng diyosesis na ang karapatan sa buhay ay dapat na mapangalagaan ng batas at ng mga institusyon.
Ayon sa obispo, patuloy pa rin ang paghahanap ng diyosesis ng katarungan para sa pagkamatay ng ilang indibidwal sa Negros.
“Until today, our cries to end the killings in Negros remain unheeded,” ayon kay Bishop Alminaza.
“We are still seeking justice for the deaths of Attorney Ben Ramos, Ka Toto Patigas, Zara Alvarez, and many more,” dagdag niya.
“The unresolved extrajudicial killings of thousands of Filipinos should challenge our consciences: Where is life? Where is human rights? Where is justice?”
Ginugunita ang International Human Rights Day tuwing Disyembre 10, ang araw kung kailan pinagtibay ng United Nations General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights.
Mariing naninindigan ang Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments