Tiniyak ni Archbishop Charles John Brown, papal nuncio sa Pilipinas, na suportado ng Santo Papa ang mga programa ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines.
Ito ang ibinahagi ng religious group sa Radio Veritas matapos ang pakikipagpulong sa kinatawan ng Vatican sa Pilipinas nitong linggo.
Inihayag ng AMRSP na bukod sa pakipagkilala ni Archbishop Brown sa iba’t-ibang kongregasyon, tinalakay rin sa naturang pulong ang ilang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa religious group.
“The new apostolic nuncio asked about the status of the consecrated life, including the declining number of vocations, and red-tagging,” ayon sa AMRSP.
Binisita ng executive board ng AMRSP ang papal nuncio noong Enero 19, 2021, sa Apostolic Nunciature sa Manila.
Ibinahagi ng religious group na nakahanda ang kinatawan ni Pope Francis sa pagbisita sa mga parokya, kombento, at monasteryo bilang pakikiisa ng Simbahan sa bawat komunidad.
Source: Licas Philippines
0 Comments