Aktibo ngayon ang Archdiocese of Cebu sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan.
Ayon kay Father Alex Cola, director ng Caritas Cebu, sila ay nagagalak sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga Cebuano sa kanilang inilunsad na “Caritas Kindness Station.”
“Ang ganda kasi nakikita ko na parang nag-aalay kapwa rin tayo,” ayon sa pari sa panayam sa Veritas 846.
“We encourage everyone to donate especially in the parish setting. We encouraged our parishes to donate for our poor,” dagdag niya.
“What we did is we just facilitated sharing and generosity of the community,” ayon kay Father Cola.
Gayunpaman, naniniwala ang pari na bukod sa pagbibigay o pagtanggap ng ayuda ay kailangan din magbahagi ang Simbahan ng katekismo kasabay ng aktibidad.
“We injected formation, mga 40 minutes everyday,” ayon sa pari. “Meron tayong 60 individuals na binibigyan natin ng orientation and values formation,” sabi ni Father Cola.
“We encourage everyone to do our own deeds of kindness to our parishes,” panawagan naman ng pari sa mga parokya.
Magugunitang bago pa man umusbong ang mga “community pantry” sa Metro Manila at mga lalawigan ay sinimulan na ng Simbahang Katolika ang paglulunsad ng “Caritas Kindness Station” kung saan nababahagian ng mga pangunahing pangangailangan ang mga mahihirap na pamilya na apektado ng pandemya.
Source: Licas Philippines
0 Comments