Catechesis 101: Alam nyo ba ano ang ‘Exegesis’ at ‘Hermeneutics’

Ang “katekismo series” na ito ay para sa lahat, mula bata hanggang sa mga nakakatanda. Ito ay ibinihagi ni Father Christian Buenafe, O.Carm, upang mas maintindihan ng mga Katoliko, pati na rin ng mga ‘di Katoliko, ang ibig sabihin ng pananampalataya, paniniwala, at “everything under the sun.”

Teacher: Hello, class. Good day sa lahat. How are you?

Students: Good morning, teacher. We are fine po.

Teacher: Good to see you all again, class. Mabuti at hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo sa klase natin. ‘Yong ibang kaklase nyo hanggang sa simula lang, tapos ayaw na.

Class, ang hirap talagang maging Kristiyano kasi marami tayong dapat matutunan pero papaano tayo matututo kung sa umpisa lang tayo magaling at masigasig pero kung pag-aralan na natin ang “core” ng “Christian faith” natin, di naman uma-“attend” sa sa ating “Flores de Mayo,” di rin nakikinig sa “homilies during Sunday Mass,” at di rin sila “involve sa “parish” natin.

Kaya, madali tayong ma-“confuse” sa mga turo ng Simbahan at maniwala agad sa mga sinasabi ng ibang “confused” din.



Student 1: Kaya nga, teacher, nakikinig talaga kami sa iyo para matuto kami sa basics ng pananampalataya.

Student 2: At teacher, nais din naming ibahagi sa mga kaibigan namin at sa aming pamilya kung ano ang aming mga natutunan dito sa sa ating klase.

Teacher: OK, ano ang gusto ninyong talakayin natin ngayon?

Student 3: Teacher, palagi kong naririnig sa mga pari at sa inyo ang salitang “Exegesis.” Ano po ba ang ibig sabihin niyan?

Teacher: Ah ganon ba? Ganito, class. Ang “Exegesis”ay hango sa salitang “Greek” na ang ibig sabihin ay “bringing out the sense.” Ibig sabihin ay “interpreting the meaning of sacred texts, usually Biblical texts, as well as trying to establish what the authors of the Bible intended to say in their original contexts or what the text meant. (O’Collins and Farrugia, 2001)

OK, class, “clear” ba? “What the authors are saying in their particular contexts, hindi ang “interpretation” ng “reader” o “preacher” na minsan ay gawa-gawa nya lang o “personal” nyang pag-intindi ng “sacred text” o “Biblical text.” O kung ano ang gusto nyang sabihin na “based on his/her personal” na pag-intindi.

(File photo by Joe Torres)

Student 4: Ganon pala yon, teacher? Di pala yan basta-basta lang i-“interpret?”

Teacher: Korek, class. Kasi baka mali ang pag-“understand” mo sa isang “Biblical text” na di naman ganon ang “context.” Kaya, ang mga nagpapaka-dalubhasa sa pag-aaral sa Bible ay tinatawag na “Bible scholars.” Pinag-aaralan nila ito ng mabuti at maigi.

Alam nyo, class, meron nga akong kakilala na pari, isa siya sa lima na lang sa buong mundo na marunong at nakakabasa pa ng isang “dead” at “ancient language,” ang “Acadian language,” unti-unting naglaho na ito dahil sa sobrang tanda na, pero sila ang mga dalubhasa na nakakabasa ng “ancient scrolls” na may “sacred texts.”

Yan ang mga ginagawa ng mga Bible scholars. Hindi lang ito simpleng “Bible study.” Kaya, tingnan nyo, class, walang Bible scholars ang nakikipag-debate sa mga plaza or sa mga kanto dahil di dyan ang “proper forum” ng pag-aaral ng Biblia kundi sa “universities,” “Biblical institutes,” at “theological schools” kasi nandoon ang Bible scholars.

Student 5: Eh, teacher, ano naman ang ibig sabihin ng “Hermeneutics?”

Teacher: Class, ang salitang “Hermeneutics” ay galing ulit sa salitang “Greek” na ang ibig sabihin ay “interpretation” mula kay “Hermes,” “the messenger of the gods.”

“It is the theory and practice of understanding and interpreting texts, Biblical texts or otherwise. Hermeneutics while seeking to establish the original meaning of a text in its historical context and to express that meaning today, recognizes that a text can contain and convey meaning that goes beyond the original author’s explicit intention.

“The different disciplines may help, philology, history, literary criticism, sociology, philosophy, anthropology, theology …. (O’Collins and Farrugia, 2001)

Student 6: Ay, di pala madali mag-aral ng Bible? Teacher, akala ko sa Bible study mag-“memorize” lang kami ng “favorite Bible verse” tapos idugtong-dugtong lang namin, tapos pipikit lang kami at mag-“worship songs,” OK na. Kilala na namin si God.

Teacher: Yan ang akala nyo. Makakatulong ang inyong ginagawa na magbasa ng Bible pero dapat tama ang pag-intindi. At mangyayari lang ito kung makinig at matuto tayo sa “correct and right understanding and interpretation ng mga Exegetes.” “Exegetes” ang tawag sa mga “Bible scholars,” “specialists” at “experts.”

Student 7: Eh sino ang magtuturo? Sino ang may tamang “exegesis” at “hermeneutics?”

Teacher: Di ba ang Bible scholars ang nagtuturo, hindi ang mga “feeling bible interpreters” na karamihan ay maling-mali ang kanilang pag-intindi at pag-“interpret.”

Meron nga diyan, “sila daw ang pinili ng Diyos,” meron pang “sugo ng Diyos,” meron pang “appointed na anak ng Diyos.” Ngek! Sino ang nagsabi? Sila? Di ba, class, bongga lang ang dating.

A Bible is seen after an underground church Christmas Eve service at an apartment in Beijing on Dec. 24, 2014. (Photo by Greg Baker/AFP)

Student 8: Teacher, sabihin ko talaga ito sa aking tito at tita kasi kung maka-interpret ng “biblical texts,” wagas! Teacher, mga feelingero at feelingera, feel na feel nila na mga “Bible experts” sila na ang galing-galing nila.

Teacher: Ganon ba? I-“explain” mo lang sa kanila kung ano ang “exegesis” at “hermeneutics,” na malalim itong pinag-aaralan at di lang “literal” na binabasa ang “Bible text” kasi akala nila pag naka-memorize ka ng “Bible verse,” at na-“touch” ka ng “text,” at favorite mo ito, OK na. Hindi ganon, class.

Students: Opo Teacher.

Teacher: OK, class, stop na muna tayo kasi “ready” na pala ang merienda natin.

Students: Yehey, may pa-“snacks” ngayon, noong isang araw wala.

Teacher: Bye Class, see you again next time. Lab u Class.

Students: Bye, teacher. Ang dami naming natutunan ngayon.


Source: Licas Philippines

0 Comments