Ang “katekismo series” na ito ay para sa lahat, mula bata hanggang sa mga nakakatanda. Ito ay ibinihagi ni Father Christian Buenafe, O.Carm, upang mas maintindihan ng mga Katoliko, pati na rin ng mga ‘di Katoliko, ang ibig sabihin ng pananampalataya, paniniwala, at “everything under the sun.”
Teacher: Hello Class, mabuti naman at nandito pa kayo.
Students: Good day, teacher. Ang saya ng ating “Flores de Mayo culmination.”
Teacher: Oo nga, tapos na ang “Flores de Mayo,” ano? Buti naman at masaya kayo. Gusto nyo pa bang i-continue natin ang ating klase?
Students: Opo, teacher. Teacher, meron pa bang merienda? Kahit hindi na Flores?
Teacher: Oo naman, kausapin natin ang ating padre kura, pero sana hindi lang snacks ang dahilan kung bakit gusto nyong magpatuloy tayo sa ating katekesis, kundi nais n’yong matuto at mas mapalalim ang ating pag-aaral tungkol sa ating pananampalataya at sa mga turo ng Simbahan. Ok ba yon, class?
Students: Opo.
Teacher: Sige, may tanong ba kayo?
Student 1: Teacher, ang ate ko ay ikakasal next month. Ang daming requirements pala. Tapos gusto nila sa beach na may sunset para bongga at naiiba, pero di daw pwede. Tapos, garden wedding na lang, ayaw pa rin. Bakit, teacher?
Teacher: Class ang kasal ay isang “sacrament,” isang “union” o pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan at gustong magbuo ng pamilya. Ang tawag dito ay “sacrament of matrimony.” At kung ito ay isang “sacrament,” ang pagpapala at biyaya ng Diyos ay matatanggap ng mag-aasawa. At nararapat lamang na sa loob ng simbahan, sa tahanan ng Diyos gagawin ang sakramento ng kasal. Ang pagbabasbas ay mangyayari sa loob ng simbahan, kasama ang officiating priest, witnesses, at ang buong “Christian community.”
Student 2: Eh, mas cute po kasi ang “ambiance” pag sa “garden” o sa “beach.”
Teacher: Class, ang kasal o “wedding” ay isang “sacrament,” uulitin ko. Hindi ito isang “entertainment show” o “fashion show” o “taping” ng isang drama. Hindi “ambiance” ang “center” sa kasal kundi ang nag-iibigan na mag-jowa, si girl at si boy.
Sa kasal, mag-“promise” ang mag-jowa na si ate at kuya na na-“in love” sa isa’t isa na magmahalan panghabambuhay, at hinihingi nila ang pagbabasbas ng Diyos. Yon ang kahulugan ng kasal. Walang kinalaman, class, ang mga alon sa dagat, ang “sunrise” o “sunset.” Walang kinalaman ang mga puno at dahon sa garden though dagdag pa-cute sa ambiance. Walang relasyon ang pinapalipad na butterflies o mga jumping frogs sa kasal. Mga melodramatic na mga usok, dance craze at tiktok sa entrance procession.
Ang iba, ginawang mga abay ang mga alagang dogs at cats, though kasama sila natin sa animal kingdom hindi sila kasama sa kasal kasi di naman sila “baptized Christians” at di nila alam kung ano ang kasal. Naghalo-halo na ang “human specie” at “dog specie,” may ganon?
Student 3: Ganon pala yon, teacher?
Teacher: Yes, class. Ang mahalaga sa kasal ay ang “love” ng dalawang tao, at para maging legal ang union ng dalawa na actually ay isang “social” at “public contract,” need ang “officiating minister” at mga witness, at ang pamilya ng mag-aasawa. Kaya, class kung gusto ng “blessings” ng kasal, sa loob ng simbahan gagawin ang kasal. Ang reception bahala na kung saan, sa beach, sa mountain resort, sa hotel, sa kweba, sa gymnasium, sa plaza, o sa bahay. Depende sa sa ikakasal at depende din sa budget.
Student 1: Kaya, teacher, alam nyo po, sa iba na lang sila magpapakasal kasi “dream wedding” talaga ni Ate sa beach or sa garden.
Teacher: Ok, karapatan nila yan. Basta ang turo sa atin ng Simbahan ay ang kasal gaganapin sa loob ng simbahan dahil ito ay “sacrament” na ibig sabihin ay galing sa Diyos, hindi galing sa dagat, sa sunset, sa butterfly o ano pa man. At ang reception pagkatapos ng kasal ay depende na, kahit saan depende sa choice at budget nila. OK, class?
Students: Ok po. Thank you po.
Teacher: K, class, kaya yong mga “dream wedding, dream wedding” na yan, mga “wish list, wish list” na yan, OK naman yan pero dapat “realistic,” “practical” at “grounded.” Minsan bahagi yan ng sobrang kaartehan.
Class, dapat ang pinaka-dream ng mag-jowa ay nawa’y ang kasal nila ay basbasan ng Diyos at ng mga mahal nila sa buhay. Naintindihan nyo ba, class? OK, siya nga pala, ang merienda natin ngayon ay puto maya at sikwate, masarap ang sikwate (tsokolate) kasi organic product ito ng SAMAL at FCCAI. Bye and see you next time, class.
Students: Bye, teacher. Ingat po. Salamat po.
Source: Licas Philippines
0 Comments