Arkidiyosesis ng Cebu magsasagawa ng ‘Mission Congress’

Magsasagawa ang Arkidiyosesis ng Cebu ng kanila Archdiocesan Mission Congress sa November 20 bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-500 na taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa bansa.

Ayon kay Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones, layunin ng “virtual gathering” na higit mapalalim ang kamalayan ng mananampalataya sa Kristiyanismo at maibahagi ito sa buong pamayanan.

“The main purpose is to give importance to our Christian faith both as a gift and a mission,” ayon kay Bishop Billones.



Ang Mission Congress ay isa sa mga tampok na gawain sa paghahanda sa “culmination activity” ng 500 YOC na “Second National Mission Congress” sa Abril 18-22, 2022, sa Cebu.

Layunin ng “Mission Congress” na matuklasan ang “missionary nature” ng Simbahan lalo na sa lalawigan na may malaking papel sa paglaganap ng Kristiyanismo ng bansa.

Tampok sa “virtual mission congress” ang panayam nina Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo na tatalakay sa ‘Missio Ad Gentes: Gifted to Give’; at Fr. Antonio Pernia, SVD, Dean of Studies in Divine Word Mission Institute Studies, na magpapaliwanag sa temang “Parokya: Misyonerong Katilingban sa mga Kabus, Gigasahan Arun Mopaambit.”

Magtatapos naman ang pagdiriwang sa isang Misa na pangungunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma mula sa Pope St. John XXIII Seminary. – mula sa ulat ng Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments