Nais kong ipaabot sa bawat isa sa inyo ang aking mapagmahal na yakap at mainit na pagbati ng Maligayang Pasko!
Ipinagdiriwang natin tuwing Pasko ang birthday ni Hesus. Kapag tayo ang nagdiriwang ng birthday – isang taon ang dumadagdag, tumatanda tayo ng isa na namang taon. Ngunit kapag Pasko, bakit laging sanggol si Hesus, bakit laging maliit na bata si Hesus?
Dumating si Hesus sa ating mundo bilang Emmanuel. Nagpakita ang Diyos sa
sanlibutan sa anyo ng isang sanggol – mahina at maliit. Ito ay paalala sa atin na kasama natin ang Diyos, kakampi natin ang Diyos lalo na sa mga panahong tila wala na tayong lakas, wala na tayong pag-asa, wala tayong kalaban-laban. Ito ang Mabuting Balita sa atin ngayong Pasko.
Bakit sanggol? Why the infant Jesus? Because Christmas is about newness. Tungkol sa bagong simula, bagong umaga, bagong pag-asa. Ito ang dulot ng bawat Pasko. “The dawn from on high shall break upon us to shine on those who dwell in darkness and the shadow of death and to guide our feet into the way of peace.”
Marami sa atin ang hiling na regalo ay bagong damit, bagong sapatos, bagong gadget sa darating na Pasko. Ang sanggol na dumarating sa ating piling ngayong Pasko ay may alok na bagong sarili, bagong pananaw at bagong pakikipag-ugnayan. Christmas offers us newness, a new self, a new vision, and new relationships. Let us open our hearts to receive the gifts of the Lord Jesus who comes to us this Christmas and each day of our lives.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!
Arzobispado de Manila, 24 December 2021
(Sgd.) +JOSE F. CARDINAL ADVINCULA
Archbishop of Manila
Source: Licas Philippines
0 Comments