
Farhanah Datu-olama Almar
(Delivered by Farhanah Datu-olama Almar of the Marawi City-based SINDAW at the “Titayan 2: Bridging to Sustain Peace in the Bangsamoro” on August 19, 2025 at the Acacia Hotel in Davao City.)
Assalamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
First of all, I would like to sincerely thank you for the opportunity to attend and be part of this program. It is truly an honor for me to be here today.
I am Farhanah Datu-olama Almar, a youth member from the organization SINDAW (Strengthening Initiatives and Re-Defining Actions of Women), which was organized by IID (Initiatives for International Dialogue) last year, on December 17, at Mindanao State University, Marawi City. SINDAW is composed of IDP (internally displaced person) women leaders and women from different shelters in Marawi. With me today are Ma’am Nanayaon Ala, the lead convenor of SINDAW; and Ma’am Fatima Pandapatan, also a member of SINDAW.
Bukod po sa pagiging kabahagi ng SINDAW, nagkataon na kami rin ay kabilang sa Bangsamoro Islamic Women Auxiliary Brigade o BIWAB—an organization of women that carries the struggles of the Bangsamoro people while working for peace and empowerment.
Bago pa man ang Marawi Siege, nakaranas na ng MARAMING pagsubok ang BIWAB—bilang kababaihang kasama sa pakikibaka para sa karapatan at kapayapaan.
Ngunit dumating ang Marawi Siege noong 2017 at muli kami mismo ay naging IDPs. Muli naming naranasan ang matinding paghihirap, pagkawala ng tahanan, at kawalan ng kabuhayan. Napilitan kaming lumikas, iniwan lahat ng naipundar para mailigtas ang aming buhay.
Una kaming tumira sa evacuation center sa Iligan—doon ko unang naranasan ang hirap ng pagiging “bakwit”: mahahabang pila para sa pagkain, masikip at mainit na lugar, at halos walang privacy.
Lumipat kami sa tent, akala ko mas magiging maayos—pero mas naramdaman namin ang tindi ng init tuwing tanghali, lamig tuwing gabi, at takot tuwing may bagyo na baka tangayin ng hangin ang aming bubong.
Kalaunan, inilipat kami sa temporary shelter. Medyo mas ligtas sa ulan at init, pero nananatili ang pangungulila at kakulangan sa maayos na kabuhayan. Doon ko nasaksihan kung paanong araw-araw, ang mga pamilya ay nagsusumikap magtulungan at maghanap-buhay kahit sa limitadong resources.
Ngayon po, Alhamdulillah, nasa permanent shelter na kami. Pero masakit isipin na hindi na kami makakabalik sa lupa na tunay naming tahanan dahil kami po ay pasok sa four barangays na hindi na mababalikan.
Kaya kung tutuusin, hindi pa rin tapos ang laban namin. Opo, may dingding at bubong na, pero pareho pa rin ang struggle: kulang sa kabuhayan, kulang sa serbisyong panlipunan, maski tubig na kasama sa basic needs ay wala kami, at patuloy pa rin ang paghihintay sa compensation na dapat ay ibinibigay na ayon sa batas.
Hanggang ngayon, dala pa rin ng mga taga-Marawi ang sugat ng nakaraan—hindi lang sa bahay na nawala, kundi sa kabuhayang gumuho, edukasyong naantala, at pangarap na naputol. Kaya isa sa pinakamalaking panawagan namin ay maibigay agad ng Marawi Compensation Board ang nararapat na bayad-danyos—hindi lang ito pera, kundi simbolo ng hustisya at karapatan namin sa sariling lupa at kabuhayan.
As for BIWAB, they are humbly requesting support and assistance. If the parents are not qualified to receive it, they hope that at least the children of BIWAB members can be given the opportunity.
MANY of us, children of BIWAB or ANAK ng BIWAB, have already graduated, and quite a number of us are even board passers, proving their determination and capability to build a better future not only for themselves but also for their communities.
Ang hiling namin ay simple: isang buhay na may dignidad—ligtas na tahanan, maayos na kabuhayan, edukasyon para sa mga anak, at hustisya para sa nangyari sa aming bayan.
Sa HARAP ninyo ngayon, dala ko ang boses ng aking komunidad at ng kapwa kabataang Meranaw. Huwag ninyo kaming kalimutan. Huwag ninyo kaming gawing kwento lang ng nakaraan—dahil hanggang ngayon, ramdam at isinasabuhay pa rin namin ang epekto ng Marawi Siege.
At sa totoo lang, minsan mas mataas pa ang posibilidad na bumalik ang kaguluhan kaysa magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan. At kapag nangyari yun, kababaihan, kabataan, matatanda, at PWDs ang pinaka-maghihirap.
Kaya sa mga susunod na buwan at taon, nawa’y maitaguyod ng SINDAW, kasama ang mga katuwang sa gobyerno tulad ng Bangsamoro Women Commission, ang usapin ng Women, Peace, and Security. Dapat malinaw ang suporta at sistema ng ating local government units para ang apat na pillars ng WPS, gaya ng nasa Bangsamoro Regional Action Plan on Women, Peace and Security (2023–2028), ay maramdaman talaga sa bawat komunidad.
Tulungan ninyo kaming bumangon—hindi lang sa pamamagitan ng dingding at bubong—kundi sa pagbabalik ng kabuhayan, dignidad, AT pag-asa.
Maraming salamat po.
0 Comments