WATCH| Atty. Gadon: Aquino dapat ang mag apologize, si Ninoy ay traydor sa bayan

Madalas na nating naririnig ang salitang “Apology” na laging ipinapatama ng mga yellow supporters sa mga Marcos na dapat umano humingi ng tawad ang mga Marcos sa paratang na pagnanakaw at pang aabuso raw noon.

Ang mainstream media, ilang pulitiko ay laging isinisigaw na humingi na daw ng apology ang pamilya Marcos sa mga Pilipino. Ngunit hindi ito pinagbibigyan ng mga Marcos sa kadahilanang, wala naman silang ginawang kasalanan sa taumbayan para humingi ng tawad at itoy mga haka-haka lamang at walang ni isa na napatunayan.

Isang vlogger o youtuber ang nagsiwalat sa isang kaganapan na nagpatahimik sa mga bayarang media na patuloy hinuhusgahanan ang mga Marcos. Siya ay si Sangkay Janjan, isiniwalat niya sa kanyang video ng kanyang Youtube Channel ang pangyayaring iyon.

Sa isang forum sa NANKA na pinangungunahan ni Atty. Larry Gadon ay isa sa naging guest si Gov. Imee Marcos, at kinulit din siya ng ilang media sa katanungan patungkol sa apology ng mga Marcos. Hindi naman ito pinagbigyan ni Imee Marcos at ayon sa kanya, mag move on na ang mga Pilipino at pagtuunan ng pansin ang napakalaking problema ng bansa gaya nalang ng pagtaas ng mga bilihin at iba pa.

Hindi ito pinalampas ni Atty. Gadon at siya na mismo ay nagsalita sa harap ng mainstream media.

“Ang aquinos dapat ang mag apologize.” Atty. Gadon

Nagulat ang media sa sinabi ni Gadon dahil salungat ito sa kanilang sinasabi lagi na dapat mga Marcos ang humingi ng tawad sa mga Pilipino. Agad namang klinaro ni Atty. Gadon ang kanyang sinabi kung bakit mas dapat mag apologize ang mga Aquino sa sambayanang Pilipino.

NINOY AQUINO

“Si Ninoy is a traitor, isa siya sa nag put up ng New Peoples Army (NPA), he must apologize to the Filipino people for losing Sabah.” Atty. Gadon

Nabanggit rin ni Atty. Gadon ang mga malalaking kasalanan ni Cory Aquino sa sambayanang Pilipino na dapat pagbayaran.

CORY AQUINO

“Si Cory naman, she should apologize for mendiola massacre and for bringing back the oligarchs.” Atty. Gadon

Inungkat din at pinaalala ni Gadon ang malalaking kasalanan ni Noynoy Aquino nung siya pa ay nakaupo bilang pangulo na kung saan maraming kapabayaan at mga kasalanang ginawa ito sa sambayanang Pilipino.

NOYNOY AQUINO

“Si Noynoy naman, he should apologize for DAP, for Yolanda, Dengvaxia, and SAF 44” Atty. Gadon

Ayon kay Gadon, huwag umano ipilit na ang mga Marcos ang mag apologize dahil wala naman umano ito ginawang kasalanan sa taumabayan kundi ang katotohanang mga Aquino ang nagpalubog sa Pilipinas.

“Huwag niyong ipilit na ang Marcoses ang mag apologize, ang dapat mag apologize yung mga Aquino. Si Ninoy traydor sa bayan, i-broadcast niyo yan.” Atty. Larry Gadon

WATCH THE VIDEO 

TUNAY NA KASAYSAYAN

Kung sasaliksikin ang pinaka malalim na katotohanan ay lalabas ang totoo na ang mga Marcos ay walang kasalanan sa bayan, dahil kung tutuosin ang ilang Pilipino ang may kasalanan sa kanila. Matapos alagaan at arugahin ni Ferdinand Marcos ang Pilipinas, ipakilala sa  buong mundo at iangat ang ekonomiya ay ang isinukli ng ilan ay pagtakwil kay Marcos.

Ang pamilya Aquino ang dapat magbayad sa taumbayan, binago nila ang katotohanan sa kasaysayan at pinalitan ng kanilang mga pangalan na walang ibang itinutumbok kundi ang pagpapaangat hindi sa bayan kundi sa kanilang pangalan at kapangyarihan.

Punong-puno ng pagtraydor ang mga Aquino sa mga Pilipino, at ngayon pinagdudusahan ng lahat ang mga ito. Malalang traffic, malalang poverty, kakulangan ng trabaho, kawalang disiplina ng mga Pilipino, kulang ng mga imprastraktura.

Kung walang isang Marcos sa kasaysayan ay malamang mas mahirap pa ang mga Pilipino sa daga. Ang dapat gawin ay pasalamatan, palakpakan, at saluduhan ang mga Marcos dahil kung wala sila mas malala ang kinakaharap natin ngayon na kahirapan.

Salamat sa mga proyekto ni Apo Lakay na hanggang ngayon ay pinakikinabangan ng lahat.

0 Comments