Men in uniform, binigyang pugay ng Military Ordinariate of the Philippines

Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang kabayanihan ng mga kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Pambansang Pulisya, at iba pang “men and women in uniform” na nagsusumikap na gampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng banta na dulot ng Covid-19.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, Military Ordinariate of the Philippines, maituturing na mga bayani ang puwersa ng pamahalaan bukod sa mga medical frontliner na nangunguna sa pagtugon sa pandemya sa bansa.

Ayon sa obispo, malaki rin ang tungkuling ginagampanan ng puwersa ng pamahalaan sa pagtitiyak na masusunod ang mga security health protocol upang hindi kumalat ang nakahahawa at nakamamatay na virus.



Umaasa rin si Bishop Florencio na patuloy na manaig ang kabutihan sa bawat kawani ng puwersa ng pamahalaan.

“Know that you are always in our prayers. Your heroism will be remembered not just by the Filipino people but by the almighty in heaven,” ayon sa obispo.

“Don’t get tired of doing what is for the good of the country and for the people for you will be rewarded a hundredfold. May your examples continue to inspire all of us,” bahagi ng mensahe ni Bishop Florencio.

Ibinahagi ng obispo na ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ay simbolo ng patuloy na pagkilala at pagbibigay-pugay sa mga bayani ng bansa na isinakripisyo ang kanilang buhay para sa kabutihan at kapakanan ng bayan.

Mula sa ulat ng Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments