Nakiisa ang Military Ordinariate of the Philippines sa pamilya ng mga biktimang nasawi sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Dalangin ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga naulilang pamilya ang kalakasan sa kabila ng pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay.
“Heavenly and omnipotent God bless those who have died victims of the recent bombing in Jolo,” dasal ng obispo.
“Console their families and loved ones; ease their pains and sadness that they may accept with hope that the sacrifices of their beloved will not be in vain,” dagdag niya.
Sa ulat ng Philippine National Police, naganap ang unang pagsabog bago mag alas-12 ng tanghali noong Agosto 24 mula sa isang motorsiklong nakaparada malapit sa sasakyan ng mga sundalo.
Habang nagsagawa naman ng imbestigasyon sa naunang pagsabog, isa pang pagsabog ang naganap malapit sa Jolo Cathedral mula naman sa isang babaeng suicide bomber.
Umaasa si Bishop Florencio na magkaroon ng kaliwanagan ng kaisipan ang mga taong may kinalaman sa pagpapasabog sapagkat hindi karahasan ang tugon upang makamtan ang kapayapaan sa pamayanan.
“May those who perpetrated this blatant act of sowing fear and chaos will be enlightened that no one is victorious in situations like but all are losers,” ayon sa obispo.
“May they feel also the pains of those who lose loved ones and pains of disorder and chaos,” aniya.
Sa tala ng otoridad, umabot sa 14 ang nasawi sa magkasunod na pagpapasabog kung saan walo ay mula sa hanay ng mga sundalo at anim ang mga sibilyan habang mahigit sa 70 naman ang nasugatan.
Umaasa si Bishop Florencio na magkaroon ng pagkakaisa sa lipunan upang makamit ang kapayapaang hinahangad ng bawat Filipino.
“They may see brighter perspectives of how to be collaborative rather than be destructive in their acts because only then progress and peace will be attained,” aniya.
“Let us help build the country after this onslaught of Covid-19. Let us not rock the boat so much for in doing so we might all be drowned,” ayon kay Bishop Florencio.
Una nang nanawagan si Bishop Charlie Inzon ng Kolo sa mamamayan na ipanalangin ang pagkakaisa at kapayapaan sa lugar kasunod ng mga karahasan habang hinimok ang mamamayan na manatiling kalmado sa kabila ng mga insidente.
Mula sa ulat ng Veritas 846
Source: Licas Philippines
0 Comments