Simbahan ng Daet, sumasabay na sa ‘new normal’

Unti-unti na iniaakma ng Diyosesis ng Daet ang mga gawaing Simbahan sa umiiral na “new normal” na epekto ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon ng Daet, bukod sa pagpapatupad ng mga safety health protocol, ang pagkakaroon lamang ng 50-porsyento sa kapasidad ng mga simbahan sa diyosesis ang pinakamalaking pagbabago na naidulot ng pandemya sa paraan ng pamumuhay at pananamapalataya sa lugar.

Ayon sa obispo, pinaigting na rin ng diyosesis ang pagkakaroon ng karagdagang youth minister para maglingkod sa Simbahan lalu’t karamihan ng mga church worker ay mga nakakatanda na hindi pinapayagang lumabas base sa mga umiiral na community quarantines.



Umaasa naman ang obispo na pansamantala lamang ang mga pagbabagong dulot ng pandemya sa paraan ng pamumuhay ng mamamayan at maging sa ebanghelisasyon ng simbahan.

Binigyang diin rin ni Bishop Alarcon na bukod sa pananalangin para sa agarang pagtuklas ng lunas at bakuna para sa COVID-19 ay mahalaga rin ang pagkakaroon ng disiplina at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang sama-samang malagpasan ang krisis na dulot ng pandemya.

Ang Diocese of Daet ay may 30 parokya na nangangasiwa sa 525,000 mananamapalataya.

Mula sa ulat ng Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments