Caritas Philippines, naghahanda ng dagdag na mga programa para sa mahihirap

Naghahanda ang Caritas Philippines ng mga dagdag na programa para sa mga mahihirap.

Ito ang pahayag ni Father Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines, ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

“We are preparing for a strategy planning, pero na-delay ito due to the pandemic,” ayon sa pari.



“Hopefully the strategy planning will provide us direction especially during this pandemic and the next two years,” dagdag ni Father Labiao.

Ipinaliwanag ng pari na ang mga gawain ng Caritas Philippines ay naglalayong tulungan ang higit na nangangailangan.

“The program of [Caritas Philippines] is trying to navigate its humanitarian assistance program,” ayon sa pari.

Dagdag niya na ang Caritas Philippines ay isa ring development arm ng [mga obispo] na … “layong mapaunlad ang agricultural sector, mapaigting ang peace building and resiliency program.”

“One of my priority now is development program,” ang sabi ni Father Labiao.

“Marami na kasi[ng] initiative ang mga communities natin na kailangan lang suportahan, tulad ng agri-business and others,” aniya.

Sinabi niya na ang Caritas Philippines bilang advocacy arm ng mga obispo ay mayroong tatlong layunin: ang pangangalaga sa kalikasan, pagpapatupad ng kaayusan, at pangunguna sa pagtuturo ng kahalagahan ng matiwasay at maayos na eleksyon.

Mula sa ulat ng Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments