CBCP nanawagan ng kababaang loob sa Kwaresma

Archbishop Romulo Valles of Davao, CBCP President. (Photo courtesy of CBCP News)

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mananampalataya na pagnilayan at palalimin ang ugnayan sa Panginoon at maging mapagkumbaba lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.

Sa mensahe ni Archbishop Romulo Valles ng Davao, presidente ng CBCP, binigyan niya ng diin ang kalahagahan ng biyaya ng binyag na tinanggap ng bawat tao.

“My hope and prayer during these very trying times because of the pandemic and its multifaceted negative consequences affecting all of us, is that we come to a deeper appreciation of our being configured to Christ,” ayon sa arsobispo.



Ipinaliwanag niya na bilang pakikiisa kay Kristo ay kinakailangang ipadama ang habag, awa, at gumawa ng kabutihan sa kapwa lalo ngayong nararanasan ng lipunan ang krisis na dulot ng pandemya.

Hinimok ni Archbishop Valles ang mananampalataya na patuloy magtiwala sa Diyos na mapagtagumpayan ang anumang paghihirap na kinakaharap.

“Together with our prayers, our fasting, and our participation in the solemn liturgical celebrations, we also exert earnest effort at doing works of charity and solidarity with those who are most suffering among us in these difficult days of the pandemic,” dagdag ng arsobispo.

Sa Pebrero 17, Miyerkules ng Abo, pormal na magsisimula ang kuwaresma, ang apatnapung araw na paghahanda sa paggunita ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Hamon ni Archbishop Valles sa mamamayan na dapat buong kababaang loob na tanggapin ang bawat krus ng buhay at i-alay sa Diyos ang mga sakripisyo tulad ng mga halimbawa ni Hesus na matagumpay na tinawid ang dilim ng kamatayan alang-alang sa katubusan ng sanlibutan.

Mula sa ulat ang Veritas 846


Source: Licas Philippines

0 Comments