57 ‘kindness station,’ binuksan ng Diocese of Novaliches

Umaabot na sa 57 na mga “kindness station” ang binuksan sa mga parokya sa Diocese ng Novaliches.

“Ito ang milagro ng ‘community pantry’ sa daming gustong tumulong, at nire-‘recognize’ kasi nila na marami ang nangangailangan,” ayon kay Bishop Roberto Gaa ng Novaliches.

Aniya, nagkasalubong ang maraming gustong tumulong dahil maraming hindi makapasok sa trabaho dahil sa “health restrictions.”

Nagpapasalamat naman ang obispo sa mga parokyang nasasakupan sa pakikibahagi sa “kindness stations” o “community pantries.”

Aniya, ito ay pagpapatunay na ang Simbahan ay nagsisilbing tagapagpadaloy ng biyaya, lalo na sa higit na nangangailangan.

Malaking tulong din sa Simbahan ang mumunting pamayanan o “basic ecclesial community” na nagsilbing “social arm” ng diyosesis.

Dagdag ng obispo, bukod sa mga parokya may kaparehong bilang din ng mga pamayanan sa Novaliches ang nagsagawa ng mga “community pantry” para magbigay ng tulong sa kanilang kapwa.

“Mayroong urgent need na kailangang punan na napunan ng ‘community pantry,” sabi ng obispo.


Source: Licas Philippines

0 Comments