Makikipagtulungan ang Diocese of Kidapawan sa lokal na pamahalaan upang matugunan ang kasalukuyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa siyudad.
Ayon sa ulat ng Radio Veritas 846, nakikiisa sai Bishop Jose Colin Bagaforo ng Kidapawan sa panawagan ng mga otoridad na magpatutupad ng “general community quarantine.”
Kabilang sa mga pinaghahandaan ng diyosesis ang “No Sunday Movement” na ipatutupad ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa diyosesis, ililipat ang pampublikong Misa tuwing araw ng Linggo sa araw ng Sabado o kaya naman ay depende sa bawat parokya.
“Our province is [under general community quarantine] beginning May 30, and ‘No Sunday Movement’ (will be implemented),” pahayag ni Bishop Bagaforo.
“[Ang] Simbahan nakikiisa sa panawagan, kaya Sunday Masses for the people are transferred to Saturday, preferably after 12 noon,” dagdag ng obispo.
Bagamat tuloy ang pagsasagawa ng mga Banal na Misa kada araw sa mga parokya, mahigpit namang ilalaan ang umaga ng araw ng Sabado para sa mga kasal, libing, at binyag.
“Sunday Masses are still to be celebrated in the main church with very limited attendance,” ayon sa obispo.
Batay sa tala nasa mahigit 100 na ang kasalukuyang active COVID-19 cases sa Kidapawan City kung saan 70 porsyento sa mga ito ang “symptomatic,” habang 30 porsyento naman ang “asymptomatic.”
Ayon sa lokal na pamahalaan, karamihan sa mga nahawaan ng virus ay mga magkakamag-anak na nagkaroon ng mga pagtitipon.
Binuksan naman ang city gymnasium sa lungsod upang magsilbing pansamantalang “treatment facility” ng mga mayroong “mild cases” matapos na mapuno ang mga ospital sa lungsod.
Source: Licas Philippines
0 Comments