San Pablo diocese sa Laguna, nababahala sa pagkalat ng COVID-19 variants

Nagpahayag ng pagkabahala ang Diocese of San Pablo kaugnay sa pagkalat ng iba’t ibang COVID-19 variants sa syudad na bahagi ng probinsya ng Laguna.

“Medyo alarming kasi nag-declare yung aming mayor days ago na nandito na sa San Pablo ‘yung variant na South African at saka yung UK variant,” sabi ni Monsignor Jerry Bitoon.

Ayon sa vicar general ng San Pablo, ang mga kaso ng COVID-19 sa lugar ay hindi pa rin bumababa.

“Yan ang dahilan kung bakit kami nag-start ng praying with Mary,” ayon kay Monsignor Bitoon sa panayam ng Radio Veritas 846.

Sinabi ng pari na ang sitwasyon sa San Pablo ang dahilan ng paglulunsad ng limang buwang “online rosary initiative” upang ipanalanging mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Batay sa ulat ng Department of Health, bukod sa South African variant at UK variant ng COVID-19 ay nasa Pilipinas na rin ang Indian variant na pinangangambahang higit na magdudulot ng mas mapanganib na epekto sa mahahawaan nito.


Source: Licas Philippines

0 Comments